|
||||||||
|
||
ANG World Health Organization ay nagsabing kailangang magamit at pakinabanagan ang potensyal ng traditional medicine bilang bahagi ng national health systems sa mga bansang kabilang sa West Pacific Region.
Ang mga kinagawian ng mga mamamayang sa paglipas ng panahon ay hindi saklaw ng regulasyon kaya't maraming nagdududa sa ganitong pamamaraan.
Binubuo ng may 37 bansa, kabilang na ang Tsina, Japan at Pilipinas, maraming nasa traditional medicines mula sa paggamit ng mga dahon, paghihilot at acupuncture.
Milyon pa rin ang kumukunsulta sa traditional na manggagamot na gumagamit ng mga alternative medicines ayon sa World Health Organization subalit kailangan ng koordinasyon sa pagitan ng traditional medicine at Western Health system.
Ang kakulangan ng salapi at human resources ay matutugunan ng tradiyunal na paraan ng paggagamot sa pagpapahusay ng kalusugan ng mga mamamayan sa rehiyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |