|
||||||||
|
||
ISANG magandang balita para sa mga nasa construction industry ang pagpasok ng SHANTUI, isang kilalang construction equipment manufacturer mula sa Tsina ang papasok sa Pilipinas para sa isang malaking operasyon. Pinasinayaan ng Shantui ang mga bagong cement mixers sa seremonyang isinagawa kamakailan sa SMX Convention Center.
Ayon kay Senador Edgadro J. Angara na nakasasama sa ribbon-cutting ceremony, talagang bukas na ang Pilipinas para sa ganitong mga kalakal. Sa pagdating ng Shantui sa Pilipinas, madadagadagan na naman ang mga investments sa mga pagawaing bayan.
Sapagkat nasa Asya ang masiglang ekonomiya, marapat lamang na sumabay ang Pilipinas sa mga nagaganap sa mga kalapit bansa, ani Senador Angara.
Idinagdag pa niya na maraming maaaring paglagyan ng ganitong mga kalakal at ang pinakasuliranin ng bansa ay ang kawalan ng mga makinarya at mga dalubhasang magpapatakbo nito. May salapi umano ang Pilipinas at kailangang gumastos na ang pamahalaan sa pagsusulong ng infrastructure projects.
Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga nasa kalakal tulad ng Shantui at magamit ang mga hindi nagastos na salapi, maihahatid ang mga pagawaing bayan sa malalayong pook ng Pilipinas.
Hindi lamang mga pantalan, paliparan at mga lansangan ang nararapat gawin sapagkat kailangan din ng mga Pilipinong magkaroon ng maayos na hanapbuhay.
Ang Shantui Corporation na mula sa Shandong Province sa Tsina na nakikipagtulungan sa Stone Brothers. Ang Shantui ang pinakamalaking gumagawa ng mga bulldozer sa daigdig at isa sa sinasabing pinakamagandang pagtrabahuhan sa Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |