Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

7 China-ASEAN Expo, lumikha ng bagong modelo ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at ASEAN

(GMT+08:00) 2011-10-20 15:47:36       CRI
Sapul noong taong 2004, matagumpay na idinaos ang 7 China-ASEAN Expo o CAExpo. At ito ay lumikha ng bagong modelo ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at ASEAN.

Ang CAExpo ay magkaksamang idinaos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mga departemento sa kabuhayan at kalakalan ng mga pamahalaan ng mga bansang ASEAN, at Sekretaryat ng ASEAN. Ang nilalaman nito ay kinabibilangan ng kalakalan ng mga paninda, pamumuhunan at kooperasyon, at kalakalan ng serbisyo. Ito ay isang pandaigdigang kapistahan na lumikha ng bagong modelo ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at ASEAN.

Isinalaysay ni Zheng Junjian, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo na nitong 7 taong nakararaan, lumahok sa CAExpo ang mga 38 lider mula sa Tsina at mga bansang ASEAN, at mahigit 1300 ministeryal na panauhin. Sa panahon ng CAExpo, idinaos ang maraming pag-uusap sa mataas na antas, at itinatag ang plataporma ng pagkakaibigan at komunikasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN.

Ayon sa estadistika ng Sekretaryat ng CAExpo, nitong 7 taong nakalipas, umakit ang CAExpo ng 265.4libong kalahok na mangangalakal, ang halaga ng transaksyon ay umabot sa halos 9.9 bilyong dolyares.

Bukod sa eksbisyon ng mga paninda at pamumuhunan, itinatag ng CAExpo ang plataporma ng kooperasyon sa maraming larangan sa pagitan ng Tsina at ASEAN na nagpakaloob ng mekanismo ng paggarantiya para sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, kultura at iba pa. Nitong 7 taong nakalipas, idinaos ng CAExpo ang mahigit 180 pulong sa mataas na antas, porum at mga kinauukulang akdibdiad. Sa CAExpo, ang mga kalahok na opisyal ng pamahalaan, mangangalakal, dalubhasa at iskolar sa iba't ibang larangan ng iba't ibang bansa ay nagsagawa ng mga diyalogo at pagpapalitan na nagbuo ng isang serye ng mekanosmo ng kooperasyon sa mga kinauukulang larangan.

Ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN, taon ng pangkaibigang pagpapalitan ng Tsina at ASEAN at unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Mula ika-21 ng buwang ito hanggang ika-26, sa Nanning ng rehiyong autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, idaraos ang ika-8 China-ASEAN Expo na may temang "pagpapasulong ng konstruksyon ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, pagbabahagi ng pagkakataon ng kooperasyon at pag-unlad" .

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>