|
||||||||
|
||
"Idinedeklara ko ang pagbubukas ng ika-8 CAExpo." Ito ang ipinahayag kaninang umaga ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa kanyang pagdalo sa seremonya ng paglulunsad ng ika-8 China-ASEAN Exposition o CAExpo sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.
Isa sa mga pang-akit na dekorasyon ng CAExpo
Sa naturang seremonya, ipinagmalaki ng Tsina at ASEAN ang kanilang progresong natamo gaya ng pag-unlad sa ekonomiya, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapalitang kultural, pagpapasulong sa kalusugan at medisina, at marami pang iba.
Ipinagmalaki rin ng dalawang panig, na magmula nang maitatag ang CAExpo, umangat ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan mula sa 8 Bilyong Dolyares lamang noong 1999 sa mahigit 300 bilyong Dolyares noong taong 2010.
Isiniwalat din sa naturang aktibidad na dahil sa mga natamong bunga ng CAExpo, umangat ang katayuan ng dalawang panig mula sa pagiging dialogue partners patungo sa bilateral trade partners.
Marvelous CAExpo, Prosperoue CAExpo
Dinaluhan ang naturang seremonya ng ibat-ibang matataas na lider ng ASEAN gaya nina Punong Ministrong Najib Razak ng Malaysia, Punong Ministrong Hun Sen ng Cambodia, at iba pang mga lider mula sa Pilipinas, Singapore, Indonesia, Laos, Myanmar, Thailand, Brunei, at Vietnam.
Tinanghal din bilang Country of Honor ang Malaysia sa naturang pagtitipon. Sa kanyang talaumpati, sinabi ni Najib Razak na marami ang natamong bunga ng CAExpo, partikular sa larangan ng pampublikong kalusugan at paglaban sa iligal na droga.
Sinabi niyang ang Malaysia ay patuloy na nakikibaka laban sa iligal na droga at sa malapit na hinaharap, at sa pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN, itatatag sa Tsina ang isang sentro ng pakikibakalaban sa iligal na gamot upang maprotektahan ang mga kabataan ng Tsina at ASEAN laban sa naturang salot ng lipunan.
Bukod pa diyan, sinabi rin niya na ang pagsasaoperasyon ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA, na isang integral na bahagi ng CAExpo noong nakaraang taon ay nakagawa ng malaking pagsulong sa ekonomiya at bilateral na kalakalan.
"Sa taong 2015," aniya, "ang bilateral na kalakalan ng dalawang panig ay inaasahang aabot sa 500 bilyong Dolyares." "Ito ay makakamtan sa pamamagitan ng lalo pang pagpapalakas ng mga pamilihan at iba pang serbisyo," dagdag niya.
Sa larangan ng pangangalaga sa kapaligiran, sinabi ng PM ng Malaysia na ang mga pamahalaan ng Tsina at ASEAN ay dapat magkapit-bisig upang makapagdebelop ng ibat-ibang sulong na teknolohiya upang mapangalagaan ang kapaligiran, nang sa ganoon ay maipamana ng kasalukuyang henerasyon sa susunod na salinlahi ang isang malinis, ligtas, at berdeng kalikasn ng mundo.
Ang Tsina aniya ay ang kasalukuyang pinakamalaking trade partner ng ASEAN.
Kaugnay nito, umakyat sa entablado at nagpakilala ang ibat-ibang kalahok sa China-ASEAN Youth Cultural Exchange Program, isang programa sa ilalim ng China-ASEAN Dialogue Partnership.
Ang ika-20 Anibersaryo ng China-ASEAN Dialogue Partnership ay ipinagdiriwang, kasabay ng pagbubukas ng ika-8 CAExpo at China-ASEAN Business Investment Summit (CABIS).
Reporter: Ernest at Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |