|
||||||||
|
||
Sa Nanning, Guangxi. Binuksan dito kaninang umaga ang ika-8 China-ASEAN Expo o CAExpo. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Premyer Wen Jiabao ng Tsina. Pagkatapos nito, sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng ika-8 China Asean Business and Investment Summit, ipinahayag ni Premyer Wen na dapat pasulungin ng Tsina't ASEAN ang kanilang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa bagong lebel.
Ang kasalukuyang taon ay taon ng pangkaibigang pagpapalitan ng Tsina at ASEAN at ika-20 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng kapuwa panig. Sinabi ni Wen na may mahalagang katuturan ang tema ng kasalukuyang summit na "pagpapalalim ng kooperasyong panrehiyon, pagsasakatuparan ng komong kasaganaan".
Inulit din niyang buong tatag na nananangan ang pamahalaang Tsino sa patakarang diplomatiko ng pagpapatibay ng estratehikong partnership nila ng ASEAN tungo sa kapayapaan at kasaganaan at pagpapasulong ng komprehensibong kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |