|
||||||||
|
||
Sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Sa panahon ng kanilang paglahok sa ika-8 China-ASEAN Expo o CAExpo at ika-8 China ASEAN Business and Investment Summit sa Nanning, Guangxi, nakipagtagpo ngayong araw si Premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Ipinahayag ng Premyer Tsino na buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN at ang pagpapatingkad ng ASEAN ng namumunong papel sa kooperasyon ng Silangang Asya. Nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin, kasama ng ASEAN, ang pag-unlad ng relasyon ng kapuwa panig sa bagong yugto.
Sinabi naman ni Surin na nakahanda ang ASEAN na magsikap, kasama ng panig Tsino, para komprehensibong mapasulong ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan, mapalakas ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga mahahalagang suliraning panrehiyon, at mapataas ang relasyon nila ng Tsina at kooperasyon ng Silangang Asya sa bagong antas.
Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin si Wen sa kanyang counterpart na Malaysian na si Najib Razak.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |