![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
"Dahil sa CAExpo, isandaan at dalawamput apat na milyong dolyares ang pumasok na investment sa Pilipinas mula sa Tsina noong nakaraang taon." Ito ang ipinahayag kahapon ni Direktor Guillernmo Laquindanum ng Board of Investments (BOI) ng Pilipinas.
Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi niyang ito ay inaasahan pang lalaki sa taong ito dahil sa pagdalaw ni Pangulong Benigno Aquino III sa Tsina noong nakaraang Agosto at ibat-iba pang mga aktibidad sa pagpo-promote ng negosyo na isinusulong ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan aniya, may ilang negosyante na mula sa Tsina at ASEAN ang nagpahayag ng kanilang intensyon na maglagak ng negosyo sa Pilipinas, partikular sa larangan ng pagbili ng hilaw na materyal na mineral, waste management at transportasyon.
Aniya, (For this project, our experience is, this will be in the magnitude of 150 million US Dollars, for example in mining, depending on what minerals are being developed; water distribution is around 2 billion Pesos, just like what was done in Boracay: and in transport, I don't have the exact figures yet about this investment).
Sa paglalagak naman ng negosyo sa bansa, sinabi ni Laquindanum na maganda ang mga insentibong nakahandang ibigay ng Pilipinas sa mga mamumuhunang Tsino, at pangunahin dito ay iyong tinatawag na "income tax holiday." Ito aniya ay iyong mga corporate income tax na hindi kokolektahin ng pamahalaang Pilipino sa mga mamumuhunan sa loob ng 4 hanggang 5 taon.
Binigyang-diin niya na hindi na kailangang magbayad ng buwis ang mga nais mamuhunan sa Pilipinas sa loob ng apat hanggang limang taon, ayon sa katayuan ng kanilang rehistrasyon sa BOI.
Isinigurado niyang makakaasa ang mga nais mamuhunan sa Pilipinas na sustenable at matatag ang mga polisiya ng pamahalaang Pilipino at ito ay napakainam sa pagtatayo ng kanilang negosyo.
Nagtatag na rin aniya ang BOI ng mga kaukulang reporma hinggil sa mabilis na pag-aksyon sa mga aplikasyon ng paglalagak ng negosyo.
Aniya, (We have instituted some reforms and likewise in institutional activities. We are mandated to act in an application within 20 working days and outside of the 20 working days, the proposed investments will be deemed approved even without evaluation).
Sa gawing Mindanao, partikular sa Davao, Cagayan De Oro at Surigao, ito ay isang priyoridad ng pamahalaang Pilipino, dagdag niya. Ang mga lugar na ito ay ligtas at akma sa pagtatayo ng negosyo; ito ay taliwas sa mga bali-balita na ang buong Mindanao ay may problema sa peace and order, dagdag ni Laquindanum.
Reporter: Ernest at Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |