Sa panahon ng kanyang paglahok sa ika-8 China ASEAN Expo sa Nanning, Tsina, sinabi kamakailan ni Pangkalahatang Kalihim Surin Pitsuwan ng ASEAN na dapat samantalahin ng mga bansang ASEAN ang pagkakataon ng mabilis na pag-unlad ng Tsina. Para rito, iniharap niya ang dalawang mungkahi: pasiglahin ang mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal ng mga bansang ASEAN na makipagkooperasyon sa Tsina at palalimin ng mga bansang ASEAN ang kaalaman sa pamilihan ng Tsina.
Kaugnay naman ng kalagayan sa pagitan ng Tsina at ASEAN na "mas mainit ang kalakalan kaysa pamumuhunan," ipinahayag ni Surin na dapat mas maraming isalaysay ng iba't ibang bansang ASEAN sa mga bahay-kalakal na Tsino ang sariling kalagayan at bentahe para mapawi ang pagdududa ng huli sa pamumuhunan sa ASEAN.
Salin: Liu Kai