Sa Summit Forum of China-ASEAN Chambers of Commerce na idinaos kamakalawa sa Nanning, Tsina, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Surin Pitsuwan ng ASEAN na ang Silangang Asya ay naging bagong pangunahing lugar ng kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig at umaasa ang ASEAN na mapag-uugnay ang lahat ng mga masiglang rehiyon at subrehiyon ng Silangang Asya para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng buong daigdig.
Sinabi rin niyang ang taong ito ay unang anibersaryo ng ganap na pagkakatatag ng China ASEAN Free Trade Area at dapat ibayo pang galugarin ng sirkulong industriyal at komersyal ng dalawang panig ang nakatagong lakas at pasulungin sa isang bagong antas ang kooperasyong Sino-ASEAN.
Salin: Liu Kai