Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panibagong ambush, naganap na naman sa Basilan, Lanao del Norte

(GMT+08:00) 2011-10-24 16:14:54       CRI

TATLONG kawal ang nasawi sa panibagong pananambang ng mga armadong kalalakihan kaninang ika-11:30 ng umaga sa Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte.

Ang mga nasawing kawal ay mula sa 5th Infantry Battalion. Tatlong iba pa ang nasugatan. Ang mga kawal ay pinamumunuan ni Lt. Col. Bangun Gaerlan at patungo sa Malabang, Lanao del Sur ng maganap ang pananambang.

Inaalam pa kung mga kasapi sa MILF ang mga nanambang.

LIMANG manggagawa sa isang rubber plantation ang nasawi samantalang apat na iba pa ang nasugatan sa panibagong pananambang ng mga armado sa Basilan kaninang ika-5:30 ng umaga.

Ayon kay Colonel Arnulfo Marcelo Burgos, Jr., taga-pagsalita ng Armed Forces of the Philippines, nasawi sa pinangyarihan ng pananambang sina Fernando Tantalo, Buenaventura Lagamay, JojonLangisbon, Renato Aligay at Johnson Jaylor sa Sitio Vandiis, Barangay Upper Cabingbing sa Sumisip, Basilan. Ang apat na nasugatan at dinala agad sa St. Peter Hospital upang magamot.

Pinaniniwalaang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang may kagagawan ng pananambang.

MAMADALIIN NG PAMAHALAAN ANG PAGLILITIS NG MGA AKUSADO SA MAGUINDANAO MASSACRE

TINIYAK ni Deputy Presidential Spokesperspn Atty. Abigail Valte na mamadaliin ng pamahalaan ang paglutas sa usaping may kinalaman sa Maguindanao massacre na naganap magdadalawang taon na ang nakalilipas. Magugunitang 57 katao ang nasawi sa isang masaker na may bahid politika.

Sa panayam, sinabi ni Binibining Valte na batid nilang hindi nababawasan ang sama ng loob ng mga naulila at mga kaibigan ng mga naging biktima. Inatasan na umano ni Pangulong Aquino si Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan na tiyaking wala nang magpapabalam ng pag-usad ng usapin. Naganap ang insidente sa Maguindanao noong ika-23 ng Nobyembre 2009.

Bagaman, niliwanag ni Binibining Valte na hindi nakasalalay sa Ehekutibo lamang ang kalutasan ng usapin sapagkat malaki ang papel ng Hudikatura lalo pa't nasa kamay na nila ang usapin.

Bagama't nais ni Pangulong Aquino na makausap ang mga hukom upang madali ang usapin, hindi siya kailanman papayagan ng Saligang Batas sapagkat may kalayaan ang mga nasa Ehekutibo, Hudikatura at Lehislatibo at hindi kailanman mapapasa-ilalim ng Ehekutibo ang Hudikatura at Lehislatura.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>