|
||||||||
|
||
Sa idinaraos na ika-8 China-ASEAN Expo o CAExpo sa Nanning ng Tsina, isiniwalat ni Ma Mingqiang, Pangkalahatang Kalihim ng China-ASEAN Center, na sa darating na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN sa Nobyembre, opisyal na itatatag ang China-ASEAN Center.
Sinabi ni Ma na ang pagkakatatag ng naturang center ay makakasulong sa komprehensibong kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Aniya pa, ang China-ASEAN Center ay isang organisasyong pandaigdig na naglalayong pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa pamumuhunan, kalakalan, turismo, edukasyon, kultura at iba pang larangan. Ang punong himpilan nito ay nasa Beijing, at patuloy na lalawak ito sa hinaharap.
Ipinahayag ni Ma na lubos na patitingkarin ang papel ng China-ASEAN Center bilang isang organisasyong pandaigdig, walang tigil na pahuhusayin ang ideya, isasagawa ang mas pleksibleng paraan ng pagpapatakbo, gagawing batayan ang pangangailangan ng mga bahay-kalakal at sibilyan ng Tsina at mga bansang ASEAN, lalong lalo na, susubaybayan ang pag-unlad ng mga katam-tamang laki at maliit na bahay-kalakal ng dalawang panig para maitatag ang tulay sa pagitan ng pamahalaan, lipunan, bahay-kalakal at indibitwal.
Ayon pa kay Ma, ang naturang sentro ay magiging organong koordinado ng impormasyon, konsultasyon at aktibidad para isagawa at palaganapin ang mga produkto, industriya, pagkakataon ng pamumuhunan, yamang panturista, kultural, pang-edukasyon at iba pa ng Tsina at ASEAN. Samantala, isasagawa ang pananaliksik hinggil sa kalakalan at pamumuhunan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |