Sa ika-8 China-ASEAN Expo (CAExpo) at Summit ng Suliraning Komersyal at Pamumuhunan na kasalukuyang idinaraos sa Nanning ng lalawigang Guangxi ng Tsina, ipinahayag ni Gao Hucheng, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa loob ng darating na limang taon, itatatag ng Tsina ang isang sona ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa bawat bansang ASEAN.
Sa kanyang pagdalo sa round-table meeting ng kooperasyong pampamumuhunan ng Tsina at ASEAN, sinabi ni Gao na ang kooperasyong pampamumuhunan ay mahalagang nilalaman ng konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), at ang ang ganitong mga sona ay makakapagsilbing plataporma para sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng