Idinaos ngayong hapon sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang pulong ng mga mataas na opisyal ng China-ASEAN Expo (CAExpo). Buong pagkakaisang ipinasiya ng mga mataas na opisyal ng iba't ibang bansa na tiyakin ang "kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya" bilang tema ng ika-9 na CAExpo.
Nitong ilang taong nakalipas, lumitaw ang napakalaking potensiyal sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa larangan ng siyensiya't teknolohiya. Ayon sa may kinalamang datos, mula noong 2000 hanggang 2010, lumaki ng 50 ulit ang pagluluwas ng Tsina ng teknolohiyang agrikultural sa mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng