|
||||||||
|
||
Sa Bangkok. Kinatagpo dito kamakailan ni Pangalawang Punong Ministro Chalerm Ubumrung ng Thailand ang "10.5 Mekong River Incident" delegation, na pinamumunuan ni Zhang Xinfeng, Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina.
Sa pagtatagpo, tinukoy ni Zhang na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Tsina ang naganap na insidente ng pangangatake laban sa mga tripulanteng Tsino sa Mekong River noong ika-5 ng buwang ito, at umaasa itong komprehensibong maiimbestigahan ang naturang insidente at maparurusahan ang mga may kagagawan.
Idinagdag pa ni Zhang na inaasahan din ng Tsina ang police authority high level meeting ng Tsina, Thailand,Myanmar at Laos sa Beijing, para mapabilis ang konstruksyon ng mekanismo ng kooperasyong panseguridad ng paglalayag sa Lancang River at Mekong River.
Ipinahayag naman ni Chalerm na mabilis at maayos na hinahawakan ng pulisya ng Thailand ang naturang insidente. Aniya, optimisko rin ang kanyang bansa na maitatag,kasama ng Tsina, ang naturang mekanismong pangkooperasyon, para mapangalagaan ang seguridad sa Mekong River.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |