Sa punong himpilan ng United Nations o UN sa New York. Sinabi dito kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na buong tatag na tinututulan ng kanyang bansa ang pagsasapubliko at paggamit ng double standard sa isyu ng karapatang pantao, at hinihimok ang kinauukulang bansa na mataimtim na suriin ang sarili at pakitunguhan ang isyu ng karapatang pantao batay sa makatarungan, obdiyektibo at mapagbigay na atityud.
Sa kanyang talumpating may kinalaman sa isyu ng karapatang pantao sa ika-3 pulong ng ika-66 na Pangkalahatang Asamblea ng UN, sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, mahilig ang ilang bansa na magpataw ng presyur sa mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng isyu ng karapatang pantao, makialam sa suliraning panloob ng ibang bansa sa ngalan ng pangangalaga sa mga sibilyan at karapatang pantao at yumurak sa layunin at simulain ng "Karta ng UN". Pinag-uukulan aniya ng pansin ng panig Tsino ang isyung ito.
Salin: Vera