|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon ng hapon sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, ang ika-8 China-ASEAN Expo(CAEXPO).
Ayon sa sekretaryat ng CAEXPO, mabunga ang naturang pagtitipon sa iba't ibang aspekto at pangunahin dito ang sariwang nilalaman, mas mataas na pamantayang propesyonal, at pangangalaga sa kapaligiran, na hindi lamang magpapasulong sa komprehensibong pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, kundi makakatulong din sa konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA).
Ayon sa ulat, naging mas malawak at mas maganda ang saklaw at kalidad ng katatapos na Expo kumpara sa mga nakararaan at kasama na rito ang 2300 kalahok na bahay-kalakal at 105 proyekto ng pamumuhunan na nagkakahalaga ng mahigit 7.4 bilyong dolyares.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |