|
||||||||
|
||
Sa loob ng isang linggo, dalawang beses na idinaos ang EU Summit. Ito ay lubos na nagpakita na ang aksyon ng pagtulong sa Euro Zone ay pumasok sa masusing panahon. Hinggil sa komprehensibong kalutasan na tinalakay sa summit, ipinalalagay ng mga sirkulo sa labas ng industriyang pinansyal na ang pinakakomprehensibong bunga ay nasa talong larangan: una, lumaki hanggang mahigit 1 trilyong Euro mula 440 bilyong Euro ang kasangkapan ng pagpapatatag ng pinansiya. Ikalawa, sa ilalim ng pahintutol ng industriya ng bangko, ang utang ng Greece ay binawasan ng mahigit 50%. Ikatlo, mga 100 bilyong Euro ang inilaan ng industriya ng bangko ng Europa.
Dahil nalalapit na Summit ng mga lider ng G20, umaasa ang iba't ibang panig na gagawa ang EU Summit na ito ng komprehensibong plano para harapin ang krisis ng utang sa Europa at nang sa gayo'y turuin ang isang paraan, upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng krisis at pasulungin ang recovery ng buong daigdig at patatagin ang kabuhayan. Ipinakita ng lahat ng mga panig ang kanilang pagsisikap at tiyak na magpapatatag ito ng kompiyansa sa pamilihan at magdaragdag ng kasiglahan para sa sama-samang pagharap ng komunidad ng daigdig sa kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan.
Sapul nang maganap ang krisis ng utang ng Europa, nagiging mas masalimuot ang kalagayang pangkabuhayan sa Europa. Sa kasalukuyan, ipinalalagay ng mga bansa ng EU na dapat magsikap nang hangga't makakaya, para isagawa ang pagtulong. Ang pagharap sa krisis ay isang mahirap na proseso, ngunit, ang EU Summit ay nagpakita na ang iba't ibang bansa ng EU, espesyal ng mga pangunahing ekonomy, ay may kompiyansa na panaigan ang kahirapan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |