Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, hindi papayag makialam ang ibang bansa sa peace negotiations

(GMT+08:00) 2011-11-01 18:07:15       CRI

HINDI papayag na makialam ang ibang bansa sa kasalukuyang pag-uusap tungkol sa kapayapaan sa pag-itan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front. Ito ang reaksyon ng Malacanang sa pangamba ng ilang mga mambabatas na baka makialam ang bansang Malaysia sa pag-uusap.

Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat ay sa Pilipinas na gawin ang pag-uusap at hindi na sa Malaysia upang maiwasan ang pakikialam.

Kasabay nito, ipinaabot ni dating Senador Aquilino Pimentel, Jr. ang kanyang pagkabahala sa liderato ng Malaysia sa international monitoring team samantalang ang Malaysia rin ang facilitator sa pag-uusap.

Niliwanag ni Atty. Abigail Valte, isa sa mga tagapagsalita ng Malacanang na ang Malaysia ay facilitator lamang at hindi magkakaroon ng foreign intervention.

Idinagdag pa ni Atty. Valte na tinutugunan na ng Malaysia ang pangangailangan ng magkabilang-panig tungkol sa mga probisyon o detalyes ng peace talks.

Hindi pa rin umano napapag-usapan ang panukala ni Senador Gregorio Honasan na bumuo si Pangulong Aquino ng "Council of State" na lalahukan ng mga dating pangulo ng bansa upang magkaroon ng dagdag na mga mungkahi tungkol sa peace talks. Ani Atty. Valte, hindi pa man lamang naipararating kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mungkahi ni Senador Honasan.

Kahit pa umano tuloy ang peace talks, tuloy pa rin ang pagtugis ng pamahalaan sa mga lumalabag sa batas upang maipagsakdal at malitis.

Una nang binanggit ni Peace Adviser Teresita Quintos-Deles na tuloy ngayong buwan ng Nobyembre ang peace talks kahit pa nagkaroon ng madudugong sagupaan sa Mindanao nitong nakalipas na ilang linggo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>