Kaugnay ng paglahok ng Palestina sa United Nations Educational,Scientific and Cultural Organization(UNESCO), ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel na lalo lamang pabibilisin nito ang konstruksyon ng purok-panirahan ng mga Hudyo sa silangang Herusalem at kanlurang pampang ng Ilog Jordan.
Nauna rito, pinagtibay ang mosyon ukol sa paglahok ng Palestina sa UNESCO, bilang isang soberanong bansa. Tutol dito ang Estados Unidos(E.U.) at Israel.
Samantala, ipinahayag kahapon ng pamahalaan ng Iran na ang paglahok ng Palestina sa UNESCO ay nababatay sa suporta ng komunidad ng daigdig. Hinimok din ng Iran ang E.U. na itakwil ang pagbibigay-tulong sa Israel.