|
||||||||
|
||
Sa ilalim ng Kooperatibong Programa ng Tsina't Indonesiya sa Teknolohiya ng Hybrid Rice,naging matagumpay ang pilot hybrid project ng Indonesia.
Sa katatapos na tag-ani, umabot sa 12.16 tonelada ang produksyon bawat hektarya ng hybrid rice na mas mataas kaysa sa karaniwang output ng palay ng Indonesya na 5.1 tonelada lamang bawat hektarya.
Sa tulong na salapi mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang nasabing proyekto ay ipinapatupad ng Longping High-Tech, iyong kompanya na ipinangalan kay Prof. Yuan Longping, ama ng hybrid rice, kasama ang kaukulang panig ng Indonesiya. Mayroon ding katulad na proyekto ng hybrid rice sa Pilipinas na kapaki-pakinabang para sa mga magsasakang Pinoy na nagtatanim ng palay na ito.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |