Ipinahayag kahapon ni Wang Min, pirmihang pangalawang kinatawan ng Tsina sa UN, na ang reporma sa UN Security Council (UNSC) ay dapat palakihan muna ang representasyon ng mga umuunlad na bansa sa UNSC at igiit ang talastasan sa pagitan ng mga pamahalaan bilang pangunahing tsanel para hanapin ang kalutasan.
Idinaos nang araw ring iyon ng ika-66 na Pangkalahatang Asemlea ng UN ang sesyong plenaryo para suriin ang isyu ng reporma sa UNSC. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na kinakatigan ng Tsina ang pagsasagawa ng UNSC ng makatwiran at kinakailangang reporma para mapalakas ang kapangyarihan at episiyensiya ng UNSC at mas mabuting tupdin ang tungkuling pangalagaan ang kapayapaan at kaligtasang pandaigdig na itinatadhana ng "UN Charter."
Salin: Li Feng