Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Crime rate sa Pilipinas bumababa; Pangangailangan ng kagamitan para sa pulisya, kailangan

(GMT+08:00) 2011-11-10 18:22:34       CRI

KAHIT pa may mga naganap na kaguluhan sa Basilan, Sulu at sa iba pang bahagi ng Mindanao na lubhang nakalulungkot at kasabay na rin ng pakikiramay sa mga nabalo at mga naulila ng mga kawal at pulis na nasawi, sumusuporta ang Philippine National Police sa adhikain ng pamahalaang igawad ang "all-out justice" sa mga may kinalaman sa madudugong insidenteng ito.

Ito ang ipinaliwanag ni Director-General Nicanor A. Bartolome sa mga kasapi ng Manila Overseas Press Club sa isang hapunan at malayang talakayan. Bagama't ang krimen, insurgency at mga domestic threat ang pinagtutuunan ng pansin ng pambansang pulisya, mayroon na silang kaukulang direksyon upang tugunan ang mga isyung ito.

Binigyang-diin ni Director General Bartolome ang pagbaba ng Total Crime Volume mula Enero hanggang Setyembre 2010 na 251,150 at umabot na lamang sa biulang na 193,753 mula Enero hanggang Setyembre 2011 at bumaba ng may 23%. Bumaba rin ang Crimes Against Person mula 67,184 noong Enero hanggang Setyembre 2010 at naging 46,753 mula Enero hanggang Setembre 2011 at bumaba ng may 30%. Kinakitaan din ng pagbaba ang Crimes Against Property na nagmula sa 91,848 mula Enero hanggang Setyembre 2010 at ngayo'y 76,211 mula Enero hanggang Setyembre 2011 at may pagbaba ng 16%.

Isa sa mga malalaking hamon na kinakaharap ng pulisya ay ang kakulangan ng sapat na sandata sapagkat tinatayang may apatnapung porsiyento ng may 140,000 mga pulis ang walang government-issued firearms. Ipinaliwanag ni General Bartolome na kinakailangan pang bumili ng sariling armas ang mga pulis upang makapaglingkod ng maayos sa kanilang mga destino.

Bukas naman umano si Pangulong Aquino sa pagsuporta sa programa upang makapamili ng mga sandata at iba pang mga kagamitan para sa pulisya sa buong bansa.

SAMANTALA, sinabi ni General Bartolome na tuloy ang pagtutulungan ng mga kabilang sa ASEANAPOL o samahan ng mga pulisya sa buong Association of South East Asian Nations. Bukod sa ASEANAPOL, aktibo rin sila sa pakikilahok sa International Police Organization o Interpol.

Ayon kay General Bartolome, katatapos pa lamang nilang dumalo sa pagtitipon sa Hanoi, Vietnam, na nilahukan nang mga delegado mula sa may higit sa isang daang mga bansa.

Pinag-usapan umano ng mga dumalo sa pagpupulong ang transnational crimes at mga pagkakataong nagiging drug mules ang mga Pilipino't Pilipina umaasang kumita ng malaki kahit na sa mga "one-shot deals."

Lahat ng mga payo at nararapat malaman ng mga kababayang Pilipino ay naipararating na sa pamimigitan ng advisories na idinadaan sa mass media at kung magkaroon pa ng mga paglabag ay bahala na silang managot (sa posibleng hatol ng hukuman laban sa kanila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>