Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yang Jiechi at Hillary Clinton, nagtagpo

(GMT+08:00) 2011-11-11 16:24:42       CRI

Sa panahon ng kanyang pagsama kay Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa paglahok sa ika-19 na di-pormal na summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC, kinatagpo kahapon sa Honolulu, punong lunsod ng estado ng Hawaii, ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, si Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyo't pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

Sinabi ni Yang Jiechi na may mahalagang katuturan ang gaganaping pagtatagpo ng mga pangulo ng dalawang bansa para sa malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng panig Amerikano, na palalimin ang pag-uunawaan, pahigpitin ang pagtitiwalaan, mas mainam na ipatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at itatag ang kooperatibong partnership na may paggagalangan, mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Ipinahayag naman ni Hillary na pinananabikan ni Pangulong Barack Obama ang pag-tatagpo nila ni Pangulong Hu. Pinahahalagahan aniya ng panig Amerikano ang kooperatibong partnership nila ng Tsina, at ipinalalagay nitong ito ay hindi lamang makakabuti sa kapuwa panig, kundi napakahalaga rin para sa buong daigdig.

Salin:Vera

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>