|
||||||||
|
||
Ang tema ng naturang pulong ay "Panrehiyong kabuhayan na may mahigpit na pag-uugnayan". Ang green paglaki, pagpapalalim ng integrasyon ng panrehiyong ekonomy, pagpapalakas ng kooperasyon sa sistema at iba pa ay magiging tampok ng pagtalakay ng mga lider. Ngunit, ipinalalagay ng mga dalubhasang Amerikano na ang tunay na kahalagahan ng naturang pulong ay magpapatibay, marahil, ng papel ng rehiyong Asiya-Pasipiko bilang "tagapagtatag" ng ekonomiya ng buong daigdig sa halip ng pagdarating ng mahalagang kasuduan.
Bilang isa sa mga mahalagang bansa sa rehiyong Asiya-Pasipiko. Ipinaliwanag na ng Tsina ang pag-asa nito sa naturang pulong. Sinabi noong ika-7 ng buwang ito ni Yu Jianhua, asistende ng Ministro ng Komersyo ng Tsina na, umaasa ang Tsina na sa pamamagitan ng naturang pulong, lalo pang pasusulungin ng iba't ibang panig ang malayang kalakalan at pamumuhunan ng rehiyong Asiya-Pasipiko, pasusulungin ang kooeprasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, kakatigan ang sistema ng multilateral na kalakalan, ititigil ang proteksyonismong pangkalakalan, at daragdagan ang kasiglahan at kompinyansa para sa recovery at paglaki ng kabuhayan ng buong daigdig.
Bukod dito, ayon pa sa ulat, bilang host, pasusulungin ng E.U. sa naturang pulong ng APEC, ang Trans-Pacific Strategic Economic Partnership o TPP na matamo ang progreso. Ipinalalagay ng ilang dalubhasa na ang naturang kasunduan ay sumasagisag ng bagong paninindigang pangkalakalan sa susunod na henerasyon, kasabay nito, umaasa si Barack Obama na sa pamamagitan ng kasunduang ito, ipapadala ang isang mensahe sa ekonomy ng Asiya-Pasipiko at mga manghahalal sa loob ng E.U.: lilikha ang E.U. ng mas mabuting kondisyon para sa pagpapsulong ng pagluluwas at sa paglikha ng pagkahanap-buhay.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |