Sa ika-17 hanggang sa ika-19 ng buwang ito, gaganapin sa Bali, Indonesia ang isang serye ng ASEAN Summit. Tinatayang halos 20 lider mula sa iba't ibang bansa ang magtutungo sa Bali Island upang lumahok sa nasabing mga pulong. Kasalukuyang pinalalakas ng panig pulisya ng Indonesiya ang seguridad para sa naturang serye ng summit.
Nauna rito, ipinahayag ng panig pulisya ng Indonesia na magtatalaga sila ng mahigit 2300 katao na magiging responsable sa seguridad. Bukod dito, nagpadala na rin noong ika-8 ng buwang ito ng 5 barkong pandigma ang Naval Eastern Fleet Command ng Indonesia para magsagawa ng mga gawaing panseguridad sa Bali Island.
salin: Joshua