Ayon sa ulat na isinapubliko kahapon ng Organization for Economic Cooperation And Development(OECD), patuloy na bumaba ang datos ng mga pangunahing economy ng daigdig noong nagdaang Setyembre at ipinakita nito na patuloy na bumabagal ang paglaki ng kabuhayan ng nasabing mga economy.
Ayon sa OECD, nitong nagdaang Setyembre, sa kabuuan, bumaba na ang composite leading indicator (CLI) hanggang sa 100.4. Anito, ito ang anim na buwang singkad na pagbaba ng nasabing datos ng mga pangunahing ecomony na gaya ng mga kasapi ng Euro Zone, mga miyembro ng G-7, at mga bansang Asyano na kinabibilangan ng Tsina, Timog Korea, Hapon, India at Indonesiya.
Salin: Jade