Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Liu Zhenmin, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina na naniniwala ang panig Tsino na sa magkasamang pagsisikap ng iba't ibang panig, matatamo ang positibong bunga sa idaraos na serye ng mga pulong ng mga lider ng bansang Silangang Asyano at mapapasulong ang kooperasyong Silangang Asyano sa landas tungo sa double-win at magkasamang pag-unlad.
Mula ika-18 hanggang sa ika-19 ng buwang ito, gaganapin sa Bali Island, Indonesia ang isang serye ng pulong tulad ng Ika-14 na China-ASEAN Summit, Ika-14 na Pulong ng Mga Bansang ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), Ika-6 na East Asia Summit at iba pa. Sa paanyaya ni Susilo Yudhoyono, Pangulo ng Indonesiya, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN, dadalo sa mga pulong ang delegasyong Tsino na pamumunuan ni Premiyer Wen Jiabao.
Sa news briefing na idinaos kahapon, sinabi ni Liu na iginigiit ng panig Tsino ang diwang pagpapalakas ng pagtitiwalaan, pagpapalalim ng kooperasyong panrehiyon at pagpapasulong ng double win sa kanilang pagdalo sa mga pulong at umaasang mapapahigpit ang pagkakaisa, mapapalalim ang kooperasyon at mapapasulong ang iba't ibang mekanisamong pangkooperasyon sa pulong.