|
||||||||
|
||
Ipinasiya kahapon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand, na dumalo sa serye ng summit ng ASEAN na idaraos bukas at samakalawa sa Bali Island ng Indonesiya.
Nauna rito, upang mapamunuan ang gawaing pakikibaka sa baha at gawaing panaklolo, kinansela ni Yingluck ang itinakdang pagdalo sa Ika-8 China ASEAN Exposition at ika-19 na APEC Summit.
Ayon sa salaysay, ang biyahe ni Yingluck sa Bali Island ay naglalayong mapanumbalik ang kompiyansa ng komunidad ng daigidg sa kabuhayang Thai, mapahigpit ang kooperasyon ng Thailand at ibang mga bansa sa pagpigil at paglaban sa likas na kalamidad, gawaing panaklolo at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad, at mapasulong ang konstruksyon ng ASEAN Community para mabisang maharap ang likas na kalamidad, pandaigdigang krisis na pinansiyal at bantang panseguridad.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |