Ayon sa dokumento ng "Kooperayon ng Tsina at ASEAN: 1991-2011" na ipinalabas ng Ministring Panlabas ng Tsina, nitong nakaraang 20 taon, napapanatili ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ang tunguhin ng mabilis na paglaki at lumaki nang 37 ulit ang saklaw ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig.
Nitong 20 taong nakaraan, ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umakyat sa 292.78 bilyong dolyares noong 2010 mula sa 7.96 bilyong dolyares noong 1991 at ang taunang paglaki ay umabot sa mahigit 20%.
Noong unang hati ng 2011, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN ay lumaki nang 25% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon na umabot sa 171.12 bilyong dolyares. Ang Tsina ay naging unang pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at ang ASEAN naman ay naging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Salin:Sarah