|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw sa regular na preskon ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinatanggap ng kanyang bansa ang opisiyal na pagsali ng Rusya at Estados Unidos (E.U.) sa East Asian Summit sa taong ito.
Tinukoy ni Liu na ang Tsina ay isa sa mga bansa na pinakamaagang nagpahayag ng pagtanggap sa pagsali ng Rusya at E.U. sa summit na ito.
Naniniwala anya siyang gaganap ang nasabing dalawang bansa ng konstruktibong papel sa kooperasyon at kaunlaran ng Silangang Asya at umaasa pa siyang kakatigan ng dalawang bansa ang estratehikong katayuan ng summit na ito, kasalukuyang prinsipyo ng kooperasyon at namumunong papel ng ASEAN.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |