|
||||||||
|
||
Idaraos bukas hanggang ika-19 ng buwang ito sa Bali Island ng Indonesya ang ASEAN Summit at may kinalamang serye ng mga summit. Hinggil sa sariling integrasyon at pakikipagtutulungan sa Tsina, Hapon at Timog Korea, anu-ano ang natamong bunga ng ASEAN at anu-ano ang kinakaharap na hamon nito? Narito ang palagay ng mga dalubhasa.
Hinggil sa hamon na kinakaharap ng integrasyon ng ASEAN, ipinalalagay ni Do Tien Sam, propesor ng Vietnam Academy of Social Sciences, na sa proseso ng pagtatatag ng integrasyon, kinakaharap ng ASEAN ang kaligaligan ng kabuhayang pandaigdig, di-tradisyonal na kaligtasan, pagbabago ng klima at iba pang hamon. Kinakailangan ng mga bansang ASEAN na palakasin ang pagtutulungan nila ng Tsina, Estados Unidos, Rusya at iba pang malaking bansa.
Ipinalalagay naman ni Dr Chandra Muzaffar, propesor ng Global Studies at University Sains Malaysia, na hanggang ngayon, ang pagsisikap para maitatag ang integrasyon ng ASEAN ay limitado sa antas ng pamahalaan, organo, grupo, kulang pa sa pagpapalitan sa pagitan ng mga sibilyan ng mga bansa. Bukod dito, nagkakaiba ang sistemang pulitikal ng mga bansang ASEAN, iba't iba ang yugto ng kanilang pag-unlad, kailangan pa rin ang pagpapalawak ng mga larangan ng kooperasyon.
Hinggil sa kooperasyon ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea, ipinalalagay din ni propesor Muzaffar na lumaki nang marami ang pagtutulungan ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea pagkaraan ng krisis na pinansyal sa Timog Silangang Asya. Maganda pa rin ang pagtutulungan nila sa hinaharap, at ito ay napakahalaga para sa kasaganaan ng ASEAN.
Ipinalalagay naman ni Dr. Kitti Prasirtsuk, propesor ng Thammasat University, na may dalawang pangunahing pagkakataon para sa pag-unlad ng ASEAN sa hinaharap: pag-ahon ng Tsina at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Ang relasyon ng Tsina at ASEAN ay naging pangunahin na, kooperasyon at may mutuwal na kapakanan. Dapat ituring ang Tsina na siyang pagkakataon ng pagpapaunlad ng mga bansang ASEAN.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |