|
||||||||
|
||
Lumisan ngayong umaga ng Beijing si Premyer Wen Jiabao ng Tsina papunta sa Bali Island, Indonesiya, para dumalo sa ika-14 na summit ng Tsina at ASEAN (10+1) at summit bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng China ASEAN Dialogue Relationship, ika-14 na Summit ng Tsina, Timog Korea, Hapon at ASEAN (10+3), at ika-6 na East Asian Summit at summit ng Tsina, Hapon at Timog Korea.
Sa kanyang pananatili sa Bali, makikipagtagpo si Wen sa mga kalahok na lider ng mga bansa. Pagkatapos nito, dadalaw naman siya sa Brunei.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |