Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatatag ng ASEAN Community: magpapatuloy sa kabila ng kahirapan

(GMT+08:00) 2011-11-17 16:00:45       CRI
Mula ngayong araw hanggang ika-19 ng buwang ito, magkakasunod na idaraos sa Bali Island ng Indonesiya, ang serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asiya. Tampok sa talakayan ng mga kalahok ang: pagpapalalim ng panrehiyong kooperasyon, pagpapalakas ng mekanismo ng koordinasyon, pagharap sa krisis ng utang ng Europa at sa epektong dulot ng kalamidad sa ASEAN at rehiyong Asiya-Pasipiko, at iba pa.

Ang konstruksyon ng ASEAN Community ay isa sa mga pangunahing bagay na sinusubaybayan ng ika-19 na ASEAN Summit. Noong Oktubre ng taong 2003, sa kauna-unahang pagkakataon, iniharap ng ika-9 na ASEAN Summit ang target ng pagtatatag ng ASEAN Community, at sa panahong iyon, itinakdang isakatuparan ang target na ito sa taong 2015.

Ngunit, sa kasalukuyan, dahil sa dobleng epekto ng krisis na pinansiyal at kalamidad, nahadlangan ang proseso ng integrasyon ng ASEAN, lalo na ang pagtatatag ng Asean Economic Community. Ngunit, tinukoy naman ng ilang dalubhasa na, dahil nananatiling malakas ang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN, wala rin humpay na tumataas ang lebel ng pag-uugnayan sa loob ng asosasyon, kaya, kayang-kayang harapin ng ASEAN ang pandaigdigang krisis na pangkabuhayan at patuloy na magsilbing mahalagang puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan sa rehiyong Asiya-Pasipiko at buong daigdig.

Hinggil dito, sinabi kamakailan ni Mahendra Siregar, pangalawang Ministrong Pangkalakalan ng Indonesiya na ang pagbubukas sa labas at konstruksyon ng Asean Economic Community ay nagdulot ng paglaki ng kabuhayan ng ASEAN at ito ay angkop sa kapakanan ng iba't ibang bansa ng ASEAN, kaya, hindi dapat bumagal ang hakbang ng integrasyon ng rehiyong ito dahil sa krisis na pinansiya, at bagkus, dapat itong maging mas mabilis.

Kasabay nito, sa harap ng madalas na kalamidad, nagsisikap ang ASEAN para magkaisa ang mga puwersa ng iba't ibang panig at mga kasaping bansa ng ASEAN at rehiyong Asiya-Pasipiko upang makabuo ng isang mabuting panrehiyong mekanismong pangkooperasyon sa larangan ng pagharap sa kalamidad.

Tinukoy ng mga tagapag-analisa na datapuwa't nahaharap sa maraming kahirapan, ang mekanismong pangkooperasyon na lalong bumubuti, ang kooperasyong panrehiyon na lalong lumalalim, at ang malakas na mithiing pulitikal ng mga lider ng iba't ibang bansang ASEAN na pasulungin ang kanilang economic community, ay nagkakaloob ng matatag na garantiya para sa pagtatatag ng ASEAN Community.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>