Dumating kaninang hapon ng Bali Island, Indonesia, si Premyer Wen Jiabao ng Tsina para lumahok sa serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asya.
Ang kasalukuyang serye ng mga pulong ay idaraos sa ilalim ng background na hindi pa napapawi ang malalimang epekto ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, matumal ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at nananatiling tuluy-tuloy ang paglaki ng kabuhayan ng Silangang Asya. Nauna rito, nagpahayag na ang panig Tsino ng pag-asang mapapahigpit ng naturang serye ng mga pulong ang pagkakaisa, mapapalalim ang kooperasyon, mapapasulong ang mainam na pagharap ng Silangang Asya sa hamong pandaigdig at mapapalakas ang kooperasyon ng iba't ibang mekanismo.
Salin:Vera