|
||||||||
|
||
Dumalo ngayong araw sa Bali Island, Indonesiya si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina sa Ika-14 na China-ASEAN Summit at nagharap ng mungkahi tungkol sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig.
Sinabi ni Wen na sa kasalukuyan, dapat ituring ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagpapasulong ng kabuhayan at progresong panlipunan bilang pinakaimportanteng tungkulin. Dapat din aniyang igiit ang prosesong pangkooperasyong pinamumunuan ng ASEAN, pangalagaan ang komong interes sa multilateral na larangan at magsikap para maitatag ang pantay at makatuwirang kaayusang pulitikal at ekonomikal ng daigdig.
Nagharap din si Wen ng mungkahi tungkol sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa aspskto ng kalakalan at pamumuhunan, imprastruktura, pinansiya, dagat, siyensiya't teknolohiya, lipunan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Samantala, mataas na pinapurihan nang araw ring iyon ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang kapansin-pansing bungang natamo ng relasyong Sino-ASEAN nitong 20 taong nakalipas at patakaran ng matalik na pagkakapitbansa na iginigiit ng Tsina. Nakahanda anilang kasama ng panig Tsino, patuloy na katigan ang isa't isa, panatilihin ang mahigpit na koordinasyon at ganap na pataasin ang lebel ng pragmatikong kooperasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |