Sa kanyang paglahok sa serye ng pulong ng East Asia Summit, nakipagtagpo ngayong araw si Premiyer Wen Jiabao kay Manmohan Singh, Punong Ministro ng Indya. Nagpalitan ng palagay ang dalawang panig tungkol sa ibayo pang pagpapalakas ng relasyong Sino-Indian.
Sinabi ni Wen na sa daigdig, may sapat na espasyo para sa pag-unlad ng Tsina at Indya at maraming larangan kung saan puwedeng magkooperasyon ang dalawang bansa. Ang ika-21 siglo ay siglo ng Asya sa kondisyon na magtutulungan ang Tsina at Indya para marealisa ang modernisasyon.