Ipinahayag kagabi sa Bali ni Liu Zhenmin, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina na sa pagtatagpo nina Premiyer Wen Jiabao ng Tsina at Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya, narating nila ang pagkakaisa ng palagay na dapat iwasang talakayin ang mga isyung pulitikal at panseguridad na may hidwaan sa East Asia Summit o EAS.
Ipinahayag ni Wen na ang isyu ng South China Sea ay isyu sa pagitan ng Tsina at ilang bansang ASEAN at dapat direktang lutasin ito ng mga may kinalamang bansa sa pamamagitan ng talastasan. Noong 2002, itinakda ang "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea" ng Tsina at ASEAN at narating noong Hulyo ng taong ito ang mga guidelines hinggil sa pagsasakatuparan nito. Aniya, magsisikap ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, para aktibong mapasulong ang pagsasakatuparan ng naturang deklarasyon at mapahigpit ang pragmatikong kooperasyon at nakahandang talakayin nila ng mga bansang ASEAN ang hinggil sa pagtatatag ng "Code of Conduct in the South China Sea".
Salin: Wle