Sa panahon ng ika-19 na ASEAN Summit, buong pagkakaisang sinang-ayunan kahapon ng mga kalahok na lider na maging tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2014 ang Myanmar.
Ang kapasiyahang ito ay ipinatalastas ng ministrong panlabas ng Indonesia sa isang news briefing kahapon ng hapon. Aniya, pagpasok ng taong ito, sinimulan ng Myanmar ang prosesong pulitikal ng rekonsiliyasyon sa loob at pagbubukas sa labas. Ang paghirang ng ASEAN sa Myanmar bilang tagapangulong bansa nito sa taong 2014 ay itinuturing na pagpapahalaga ng ASEAN sa reporma ng prosesong pulitikal ng Myanmar at ito ay palatandaan ding natamo na ng patakaran sa reporma at pagbubukas ng Myanmar ang substansiyal na bunga.
Salin: Vera