|
||||||||
|
||
Bali Island, Indonesiya, idinaos dito ngayong araw ang seremoniya ng pagtatatag ng Sentro ng Tsina at ASEAN. Ang pagkakatatag ng sentrong ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa mga larangang tulad ng kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura, turismo at iba pa.
Isinalaysay ni Ma Mingqiang, pangkalahatang kalihim ng sentrong ito na bilang isang pandaigdigang organisasyon sa pagitan ng mga pamahalaan, makakapagkaloob ang sentrong ito para sa gma bahay-kalakal at mamamayan ng Tsina at 10 bansang ASEAN ng impormasyon hinggil sa produkto, pagkakataon sa pamumuhunan, yamang-panturismo, edukasyon at kultura at iba pa para katigan ang pag-unlad ng mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal ng iba't ibang bansa.
Sinabi ni Ma na sa hinaharap, makakatulong ang sentro ng Tsina at ASEAN sa lalo pang pagpapasulong ng pagluluwas ng mga produkto ng ASEAN sa Tsina, pagpapadali ng mga kinauukulang prosidyur, kaya ang mga produkto ng mga bansang ASEAN ay mas maginhawang makapasok sa pamilihang Tsino.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |