Sinabi kahapon ni Manmohan Singh, Punong Ministro ng India, na ang pagpapalalim ng relasyon sa ASEAN ay susi ng Look East Policy ng India.
Ipinahayag ito ni Singh bago siya nagtungo sa Bali Island ng Indonesiya para lumahok sa India-ASEAN Summit at ika-6 na Summit ng Silangang Asiya. Sinabi niyang nitong nagdaang ilang taon, ang pagpapalitan sa pagitan ng India at mga bansang ASEAN ay mayroong aktuwal na progreso. Ito ay nakikita, pangunahin na, sa kalakalan, komunikasyon, pagpapalitan ng mga tauhan at organo at iba pa. Narating na ang Plano ng Aksyon ng India at ASEAN mula 2010 hanggang 2015 at sa susunod na taon, sa kauna-unahang pagkakataon , iho-host ng India ang India-ASEAN Summit bilang paggunita sa 20 taong diyalogo partnership ng dalawang panig.
Salin:Sarah