Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina kahapon, noong unang 10 buwan ng taong ito, ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at mga bansang ASEAN ay umabot sa 295.91 bilyong dolyares, na lumaki ng 25.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon pa sa datos, noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito, umabot sa 21.17 bilyong dolyares ang trade deficit ng Tsina sa ASEAN. Sa mga bansang ASEAN, ang Malaysiya ang pinakamalaking trade partner ng Tsina. Lumampas sa 10% ang paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng Tsina at Singapore, Biyetnam, Myanmar, Kambodya at Laos.
Salin: Andrea