Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pinuno ng ASEAN, nilagdan na ang "Bali Accord III"

(GMT+08:00) 2011-11-18 18:13:25       CRI

LUMAHOK si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang mga kapwa punong-bansa sa Association of Southeast Asian Nations sa paglagda sa "Bali Concord III" na naglalaman ng kanilang pangako na gumanap ng mahalagang papel sa pagharap sa mga hamon ng daigdig.

Naganap ang paglagda sa Nusa Dua Room 5 ng Bali Nusa Dia Convention Center sa Bali, Indonesia sa ikalawang araw ng 19th Asean Summit and Related Summits.

Kasama ni Pangulong Aquino sa paglagda sa kasunduan na pinamagatang Bali Declaration on Asean Community in a Global Community of Nations ay sina Prime Minister Damdeck Akka Mora Sena Padei Tech Hun Sen ng Cambodia, Sultan Hajji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam, Prime Minister Thongsing Thammavong ng Laos, President U Thein Sein ng Myanmar, Prime Minister Dato Sri Mohd Najib bin Tun Abdul Razak ng Malaysia, Prime Minister Lee Hein Loong ng Singapore, Prime Minister Yingluck Shinawatra ng Thailand, Prime Minister Nguyen Tan Dung Vietnam at Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia.

Ang "Bali Concern III" ay nagtutuon sa tatlong sandigan ng ASEAN tulad ng politics and security, economy at socio-culture.

Ang kasunduan tungkol sa politics and security ay sasaklaw sa conflict resolution, transnational crime at piracy eradication, corruption eradication at nuclear disarmament.

Sa larangan ng ekonomiya, kailangan ang pagpapalakas ng ekonomiya sa ASEAN, pagpapatupad ng production standards at economic commodity distribution, access improvement at technology application, dagdag na investments sa pagsasaka at ang tinaguriang energy diversification.

KORTE SUPREMA, TUMANGGI SA KAHILINGAN NG PAMAHALAAN

TUMANGGI ang Korte Supreme sa motion for reconsideration ng pamahalaang Aquino na nagbabawal sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maglakbay patungo sa ibang bansa upang magpagamot.

Kasabay nito, sinabi ni Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema na pinagutusan na si Justice Secretary Leila de Lima na magpaliwanag sa loob ng sampung araw kung bakit hindi siya nararapat kasuhan ng contempt sa hindi paggalang sa kautusan ng Korte Suprema na nag-aatas na alisin ang travel ban.

Sinabi ni Ginoong Marquez na ang Temporary Restraining Order laban sa pagpapatupad ng watchlist na ipinalabas ni de Lima laban kay Arroyo at sa kanyang esposo ay may "full force and in effect."

Samantala, isang warrant of arrest ang ipinalabas laban sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap sa kasong electoral sabotage sa ginawang pagsisiyasat ng Comelec at Kagawaran ng Katarungan.

Sa panig ni Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, aalis siya sa oras na payagan ng kanyang manggagamot na makapaglakbay.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>