|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw sa Bali, Indonesya ang ika-6 na East Asia Summit (EAS). Lumahok sa summit ang mga lider o kinatawan ng 10 bansang ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Australya, Indya, Estados Unidos, Rusya at New Zealand.
Ang mga pangunahing paksa ng kasalukuyang summit ay pag-unlad sa hinaharap at mga guidelines ng EAS at pagpapalalim ng kooperasyon ng Silangang Asya. Tinalakay din ang mga estratehikong isyu hinggil sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at ang pagpapalakas ng kooperasyon ng iba't ibang bansa sa 5 mahalagang aspekto na pinansya, enerhiya, edukasyon, pagpigil sa nakahahawang sakit at paglaban sa kalamidad.
Ipapalabas din sa summit ang pahayag hinggil sa mga prinsipyo ng relasyong may mutuwal na kapakinabangan at pahayag hinggil sa ASEAN connectivity.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |