Lumahok ngayong araw si Premier Wen Jiabao ng Tsina sa pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea na ginanap sa Bali Indonesiya. Ipinahayag ni Wen, na maayos ang kasalukyang kooperasyon sa pagitan ng tatlong bansa. Sa susunod na taon, ang Tsina ay magiging bansang tagapagkoordina ng kooperasyon ng tatlong bansa, at sasamantalahin nito ang ika-40 anibersaryo ng normalisasyon ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Hapon, at ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Timog Korea para mapalakas ang pagpapalagayan sa mataas na antas at koordinasyon ng patakaran ng tatlong bansa at mapalalim ang estratehikong pagtitiwalaan sa isa't isa, upang makapagbigay ng pulitikal na lakas sa trilateral na kooperasyon at makakamit ng mas malaking pag-unlad sa kooperasyon ng tatlong bansa.
Ayon naman sa mga lider ng Hapon at Timog Korea, sa kasalukuyang sitwasyon, dapat patuloy na magsipag ang tatlong bansa para palalimin ang kooperasyon sa kalakalan, pinansiya, pamumuhunan, pagtulong sa oras ng kalamidad at iba pang mga larangan, palakasin ang koordinasyon sa mga rehiyonal at pandaigdig na suliranin at isulong ang komong pag-unlad.
Salin:Joshua