|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa Bali, Indonesia, ang isang araw na ika-6 na Summit ng Silangang Asya.
Tinukoy ng pulong na sa harap ng mabagal na pagpapanumbalik ng kasalukuyang kabuhayang pandaigdig at elemento ng kawalang-katatagan sa eksistensiya, dapat panatilihin ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan ng Silangang Asya.
Pinagtibay din sa pulong ang dalawang deklarasyong kinabibilangan ng prinsipyo ng Summit ng Silangang Asya hinggil sa relasyong may mutuwal na kapakinabangan at pag-uugnayan nila ng ASEAN. Kabilang dito, ang unang deklarasyon ay magiging patnubay sa pagpapasulong at pangangalaga ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon ng Silangang Asya.
Sapul noong simulan ang mekanismo ng Summit ng Silangang Asya noong 2005, naisagawa ang kooperasyong substansiyal sa maraming larangan at nakakapagbigay ng positibong ambag para sa pagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng Silangang Asya.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |