|
||||||||
|
||
Idinaos kamakalawa sa Bali, Indonesia, ang ika-14 na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN, at ipinalabas sa pulong ang Magkasanib na Pahayag bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Anang pahayag, buong tatag na nagsisikap ang Tsina at mga bansang ASEAN para lubos at mabisang maisakatuparan ang "Deklarasyon ng Aksyon ng Iba't Ibang Panig sa South China Sea."
Ayon sa pahayag, palalakasin ng iba't ibang panig ang seguridad sa dagat; palalakasin ang kapayapaan, kaligtasan, kasaganaan at pagtitiwalaan sa rehiyong ito at magsisikap para mapayapang malutas ang hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Anito pa, mahigpit na makikipagtulungan ang Tsina sa ASEAN para maisakatuparan ang pagtatatag ng komunidad ng ASEAN na bubuuin ng 3 bahagi sa 2015 na kinabibilangan ng komunidad ng kaligtasang pulitikal ng ASEAN, komunidad ng ekonomya ng ASEAN at komunidad ng lipunan at kultura ng ASEAN.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |