|
||||||||
|
||
Sa kanyang dalaw na pang-estado sa Brunei, bumisita kahapon si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina ng Universiti Brunei Darussalam,UDB at bumigkas ng talumpati sa auditorium ng UBD. Nang mabanggit ang layon ng biyaheng ito, sinabi ni Wen na ito ay para hanapin ang pagkakaibigan at kooperasyon, para maging mas mahigpit ang mga puso ng mga kabataan ng dalawang bansa.
Sabi ni Wen: "Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei, pumarito ako para hanapin ang pagkakaibigan at pagtutulungan, sa tingin ko, ang paggagalang sa isa't isa ay pundasyon ng pakikipamuhay ng dalawang bansa at ang mga kabataan ay hindi kinabukasan at pag-asa lamang ng bansa kundi rin kinabukasan at pag-asa ng pagpapalitan ng bansa at bansa. Kung igagalang nila ang kani-kanilang bansa, mauunawaan din nila ang isa't isa at magkasamang magsikap para hanapin ang komong kagandahan. "
Ang katapatan ng premiyer na Tsino ay nakatawag ng malaking palakpak mula sa mga kalahok na guro at mag-aaral.
Sa panahon ng question and answer, tinanong ng isang mag-aaral mula sa departamento ng literature si Wen tungkol sa kanyang palagay sa kooperasyong Silangang Asyano, sinagot ni Wen:" Ikasiyam na taon na ang pagdalo ko sa East Asia Summit, nakita ko mismo ang kaunlaran ng kooperasyon ng Silangang Asya. Ang naturang kaunlaran ay dapat makabatay sa pagsasarili at self-improvement ng mga bansang Silangang Asyno. Kaya, sa mula't mula pa, iginigiit nating ang kooperasyon ng Silangang Asya ay dapat gawing pangunahing lakas ang mga bansang Silangang Asyano at lubos na patingkarin ang inisyatiba at kasiglahan ng mga bansang Silangang Asyano. "
Bukod dito, dinala rin ni Premiyer Wen ang maraming aklat na may kinalaman sa kasaysayan, kultura at kaugalian ng Tsina. Sabi niyang "ang aklat ay nutrition ng mga kabataan, bagama't hindi mararating ng mga ito ang nabanggit kong kahilingan, ipahayag ang aking mithiin."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |