Pagkaraang dumalo sa serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asiya at opisyal na dumalaw sa Brunei, dumating ng Beijing ngayong hapon, si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina sakay ng espesyal na eroplano.
Si Premiyer Wen ay lumahok sa ika-14 na Summit ng mga lider ng Tsina at ASEAN(10+1), Summit bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN, ika-14 na pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea(10+3), ika-6 na Summit ng Silangang Asiya, at pagtatagpo ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea mula ika-17 hanggang ika-21 ng buwang ito, sa Bali Island ng Indonesdiya. Opisyal na dumalaw rin si Wen sa Brunei.
Sa loob ng 5 araw, si Premiyer Wen Jiabao ay nakalahok sa halos 30 multilateral at bilateral na aktibidad. Maliwanag na inilahad niya ang paninindigan at palagay ng Tsina hinggil sa pag-unlad ng kooperasyon ng Silangang Asiya sa hinaharap, at nagharap ng mahalagang mungkahi hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon sa Silangang Asiya. Inihatid sa iba't ibang panig ang mga positibong impormasyon ng Tsina na kinabibilangan ng "good-neighborly relationship" na patakarang panlabas hinggil sa Tsina ng, ideya ng mapayapang pag-unlad, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation at iba pa.
Salin:Sarah