|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ng dumadalaw na si Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa Brunei na nakahanda ang kanyang bansa na aktibong lumahok sa konstruksyon ng mga imprastruktura ng Brunei at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangan ng enerhiya, agrikultura, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei, na matatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina at nakahandang komprehensibong pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang kanilang aktuwal na kooperasyon sa pundasyon ng paggalang sa isa't isa at prinsipyong mapayapang pakikipamuhayan, para maingat ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas at magtamo ng pakinabang ang kanilang mga mamamayan.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, magkasama silang dumalo sa seremonya ng paglalagda sa mga may kinalamang kasunduang pangkooperasyon.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |