|
||||||||
|
||
IBINALITA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na nagkasundo ang iba't ibang bansa sa Asya na bumuo ng regional rice pool sa oras na magkaroon ng emerhensya at mantinding kakulangan ng bigas sa pandagidigang pamilihan.
Ayon kay Pangulong Aquino, ang pagbuo ng rice reserve system sa Asya ay tugon sa matinding pananalasa ng mga bagyo sa Thailand, Cambodia at Pilipinas na matinding nakaapekto ng mga pananim.
Magkakaroon umano ng agarang lingap para sa mga nasalanta ng mga sakuna, sabi ni Pangulong Aquino sa kanyang pag-uulat pagdating sa Pilipinas. Lumagda umano ang mga bansang kabilang sa ASEAN sa kasunduan, kasama na rin ang Tsina, Japan at Korea sa oras na malubhang maapektuhan ang produksyon ng alinmang bansa sa rehiyon.
Ang rice pool system ang magpapalakas ng efficiency, titiyak sa maagap na pagpapadala ng bigas sa mga apektadong bansa at makakaiwas sa market distortion at tatalima sa pandaigdigang alituntunin ng pandaigdigang kalakalan.
Ang rice pool system ay magagamit bilang food aid sa oras ng kagipitan at sa mga pagtugon sa poverty alleviation projects ng mga bansang kabilang sa ASEAN tulad ng Brunei, Camboadia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.
HIGIT NA GAGANDA ANG RELASYON NG PILIPINAS AT TIMOG KOREA
UMABOT na sa ika-60 taon ang magandang relasyon ng Pilipinas at Timog Korea. Ito ang buod ng talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa isang pananghaliang idinulot para kay Pangulong Lee Myung-Bak na nasa isang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas ngayon.
Sa loob umano ng 60 taon, nakita ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa at higit pang lumalalim sa paglipas ng panahon. Matapos ang anim na dekada, nakita ang pagtutulungan sa larangan ng politika, kultura, investment and trade, defense, edukasyon at higit sa lahat, ang people-to-people exchanges.
Sa patuloy umanong pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan, higit na nadaragdagan ang pangangailangan para sa edukasyon, travel at health services at maging sa larangan ng komunikasyon.
Umaangkat umano ang Korea ng 70% ng kanilang agricultural requirements at higit na nagbubukas ng mga pinto para sa mga exporter ng Pilipinas tulad ng frozen vegetables, sauce preparations, confectionary, fishery at mga prutas.
Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na ngayong maayos na ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, kailangan ang talented at masisipag na manggagawang marunong mag-Ingles kaya't bukas na rin ang pinto para sa mga Koreanong magkalakal sa bansa.
Ang paglagda sa kasunduan ng Korea Chamber of Commerce and Industry at ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang siyang higit na magpapasigla sa relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |